CAGAYAN DE ORO CITY – Ilalaban umano hanggang sa Korte Suprema ni dating Cagayan de Oro Lone District Rep. Constantino Jaraula ang guilty verdict na ibinaba ng Sandiganbayan 1st Division kaugnay sa pagkakasangkot nito sa P10-billion fund scam controversy na pumutok noong nakaraang administrasyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Jaraula na minsan daw ay kaya pa nitong matiis ang panglalait at panggigipit subalit hindi na umano ito papayag na durugin ang kanyang buong pagkatao at madamay pa ang pamilya at mga kaanak nito.
Sinabi ni Jaraula na maghahain pa rin ito ng motion for reconsideration at kung hindi pa raw matauhan ang tagakorte ay i-aakyat na niya ang apela sa Korte Suprema.
Una nang igiinit ng dating mambabatas na hindi totoo na binulsa niya ang halos P20-milyong pondo mula sa kanyang pork barrel gamit ang pekeng organisasyon ng negosyanteng si Janet Lim Napoles subalit pinatawan pa rin ito ng guilty verdict dahil sa kasong graft at malversation of public funds.