-- Advertisements --

Patungo na sa Albania si Jasmin Bungay para sa paglahok niya sa Miss Globe 2024 pageatn.

Sa social media account ng Binibining Pilipinas ay nagpost sila ng larawan ni Jasmin habang ito ay nasa paliparan.

Makikita sa larawan na may suot na sash ito at may hawak na watawat ng Pilipinas.

Target niya na maging ikatlong Miss Globe na nakuha noon ni Ann Lorraine Colis noong 2015 at Maureen Montagne noong 2021.

Isinusulong nito ang pangangalaga sa overseas Filipino workers (OFW) at ang mga karapatanng LGBTQ-community.

Gaganapin ang coronation night sa Oktubre 15 sa Tirana, Albania.