-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ibinahagi ni Jasmine Curtis-Smith ang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng kanyang fans sa pinakabagong horror film na “Midnight in a Perfect World.”

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa 26-year-old award-winning actress-TV host, inamin nito na masaya siya sa patuloy na pagtangkilik ng mga tao sa pelikula na kasalukuyan ay streaming pa rin sa Upstream.ph.

Jasmine Curtis Smith 2

Inilarawan pa nito ang kanyang co-star na si Glaiza De Castro bilang magaan lang na katrabaho.

“Working with Glaiza on this film was such a relief, a fresh air. [She’s] very easy to get a long with, and she’s a very cool person. She’s very professional with her work ethics,” saad ni Jasmine.

Kaugnay nito, patuloy ang imbitasyon ng kapatid ng artista ring si Anne Curtis sa mga sumusuporta sa film industry ng Pilipinas at sa mga walang sawang tumatangkilik sa kanilang mga proyekto.

“To all of my supporters and to all the supporters of the film industry, thank you very much. It is only through your support that the industry can evolve and become better. We can learn and make the right improvements and cater to you better.”

Ang pelikulang “Midnight in a Perfect World” ay mula sa direksiyon ni Dodo Dayao.

Una na itong inilabas sa QCinema International Film Festival 2020, kung saan ito rin ang itinanghal na highest grossing film.