-- Advertisements --
Naka-isolate sa kaniyang bahay ang Hollywood actor na si Jason Momoa matapos na magpositibo ito sa COVID-19.
Sa kaniyang Instagram ay kinumpirma ng 42-anyos “Aquaman” actor.
Sinasabin nitong nahawa siya ng dumalo sa premiere showing ng kaniyang bagong pelikulang “Dune”.
Sinabi nito na maganda naman ang kaniyang pakiramdam at walang anumang sintomas.
Kasama niyang naka-isolate sa bahay ang skateboarder na si Erik Ellington.
Hindi naman binanggit ng actor kung ito ay bakunado na laban sa COVID-19.