-- Advertisements --

Todo pagmamalaki ang Celtics All-Star na si Jason Tatum sa kanilang Boston fans na lalo umanong nagpapalakas ng loob sa kanilang kampanya sa NBA Finals.

Ayon kay Tatum kailangan daw muli nila ang mga supporters sa Game 4 ngayong Sabado para makuha pa ang 3-1 lead sa serye.

Aminado si Tatum na labis ang kanyang excitement na manalo sa harap ng mga fans sa kanilang homecourt lalo na at napakatagal na rin na panahon na huling nagkaroon ng NBA Finals game sa kanilang teritoryo.

“It was great to get a win in front of the home crowd,” ani Tatum.

Huli kasing nakatuntong ang Celtics sa Finals ay noon pang taong 2008 sa pangunguna ng kanilang “Big 3” noon na sina Paul Pierce, Ray Allen, at Kevin Garnett.

Para naman kay NBA Commissioner Adam Silver, gusto niya ang ingay ng mga fans at nais niyang mag-enjoy ang mga ito.

Gayunman ang hiling lamang daw niya ay iwasan ang pagmumura at bigyan pa rin ng respeto ang mga players.

“I want fans to enjoy themselves, of course from the league office you want to see it done with respect, but I get it,” wika pa ni Silver

Una nang nakaranas ng maaanghang na salita si Draymond Green sa ilang mga fans nitong nakalipas na Game 3.