Ilulunsad ng United States Army ang Javelin missiles na ikinokonsiderang simbolo ng depensa ng Ukraine laban sa Russia para sa unang pagkakataon bilang parte ng live-fire drills sa nagpapatuloy na Exercise Salaknib sa Pilipinas.
Planong isagawa ang nasabing missiles test sa Marso 31.
Ang Javelin subject matter expert exchange (SMEE) ay magpapalakas sa modernisasyon ng Philippine Army at capability development thrust kasabay ng planong pag-shift mula sa internal security tungo sa territorial defense operations.
Ang Javelin ay isang US-made portable anti-tank guided missile system na mayroong effective range na 2.5 kilometers.
Isa rin ito sa mga armas ng Amerika na ibinigay sa Ukraine sa nagpapatuloy na depensa nito laban sa Russia.
Ang Salaknib ay isang malakihang exercise sa pagitan ng Philippine Army and US Army Pacific (Usarpac) simula ng inilunsad ito noong 2014 kung saan ngayong taon ang inaasahang lalahukan ito ng malaking bilang ng mga sundalo mula sa dalawang panig.
Ang Army units na kalahok sa pagsasanay ay ang 1st Brigade Combat Team, Special Forces Regiment (Airborne), First Scout Ranger Regiment, Light Reaction Regiment, 5th Infantry Division, 7th Infantry Division, Armor Division, at ang PA Anti-Armor Capability Technical Working Group of the Training and Doctrine Command.