-- Advertisements --
Nagtala si Jaylen Brown ng career-high na 50 points para itumba ng Boston Celtics ang Orlando Magic sa overtime win 116-111.
Uminit ng husto ang kamay ni Brown nang magbuhos ng 21 points sa fourth quarter para mahabol ng Celtics ang 14 points na kalamangan ng Magic.
Malaking tulong din ang ginawa nina Marcus Smart na nagpakita ng 17 points, seven assists at seven rebounds para sa Boston at si Dennis Schroder na umiskor ng 21.
Ang dalawang teams ay nagkataon naman na hindi pa rin nakapaglalaro ang kanilang mga top scorers na si Orlando Cole Anthony na may sprained right ankle habang si Jayson Tatum ng Boston ay nasa apat na games na rin na hindi nagpapakita bunsod ng COVID-19 concerns.