-- Advertisements --

Balik ensayo na sa TNT Tropang Giga si Jayson Castro matapos ang limang buwan nitong operasyon sa tuhod.

Kabilang kasi si Castro sa Tropang Giga sa dalawang linggong ensayo sa Laoag, Ilocos Norte.

Ito ang unang pagkakataon na pagsali ni Castro matapos na tanggalin ang dalawang bone spurs nito sa magkabilang tuhod.

Ayon sa TNT resident physical therapist Dexter Aseron na naging maganda na ang kalagayan ng 34-anyos na si Castro at ito ay handa na sa pag-eensayo.

Tinamo ng TNT star ang injury noong Game 4 ng All-Filipino series laban sa Barangay Ginebra kung saan nagwagi ang Gin Kings.