-- Advertisements --

Wala pa umanong katiyakan kung makakasama si Jayson Castro sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA World Cup sa China sa darating na Agosto.

Ibinulgar ito ni Gilas head coach yeng Guiao kasabay ng umpisa ng paghahanda ng national team para sa prestihiyosong torneyo.

Bagama’t hindi idinetalye, sinabi ni Guiao na posibleng “personal priorities” ang rason dito lalo pa’t ikinasal na ito noong weekend.

“Meron lang kaming isa pang concern, yung situation ni Jayson Castro. So we have to finalize ‘yun ding status niya. Meron din kasi siyang mga personal priorities,” wika ni Guiao.

“We will finalize that within the week if he’s staying with the team or taking a break,” dagdag nito.

Iginiit din ni Guiao na na kay Castro pa rin ang huling pasya tungkol sa isyu.

Hindi nakadalo ang TNT KaTropa guard sa ensayo nitong Lunes sa Meralco Gym dahil nasa honeymoon ito.

Dumalo sa praktis sina Gabe Norwood, June Mar Fajardo, Japeth, Marcio Lassiter, Mark Barroca, Raymond Almazan, Roger Pogoy, at Troy Rosario.

Samantalang absent din sina Scottie Thompson, Paul Lee, at Poy Erram.