-- Advertisements --

Pumirma na ng multiyear contract extension si Utah Jazz power forward Lauri Markkanen.

Ang kontrata ni Markkanen ay nagkakahalaga ng $238 million at magtatagal ng limang taon.

Bahagi ng kontrata na pinirmahan ng naturang NBA player ay ang hindi siya pwedeng i-trade ng naturang team hanggang 2025 offseason.

Sa nakalipas na dalawang season, nagawa ni Markkanen na magpasok ng 24.5 points per game, kasama ang magandang 3-point record.

Siya rin ay ginawaran ng pagkilala bilang Most Improved Player sa unang season niya sa Jazz at kinalaunan ay sumabak sa kanyang kauna-unahang All-Star game.

Unang nakuha ng Jazz ang 7-footer noong September 2022 kapalit ng star player nitong si Donovan Mitchell na napunta sa Cleveland Cavaliers.

Si Markkanen ay unang naging paksa ng ilang mga trade deal sa NBA nitong offseason kung saan maraming mga team ang nakipag-usap sa Utah para makuha ang 7-footer.

Gayunpaman, walang naabot na pinal na deal sa pagitan ng Jazz at mga team na nagpakita ng interest.