-- Advertisements --

Nakabawi na rin ang Utah Jazz sa dalawang magkasunod nilang talo matapos nilang itumba ang Atlanta Hawks, 110-98.

Limang mga players ng Jazz (8-3) ang nagpakita ng double digit score upang ipatikim sa Atlanta (4-8) ang ikalimang sunod na panalo.

Muli namang nagpakitang gilas si Clarkson nang magtala ng 16 points kabilang na ang apat na three-pointers.

Nitong nakalipas na laro ay inalat ang Sixth Man of the Year.

Samantala ang isa pang Utah superstar na si Donovan Mitchell ay nagtapos naman sa 27 points.