Sa wakas nakaalpas din sa kamalasan ang Utah Jazz at gumawa pa ng rally para malusutan ang 42-point performance ni Damian Lillard at tuluyang itumba ang Portland Trail Blazers, 117-114.
Nagsama rin ng puwersa sa huling sandali sina Bojan Bogdanovic na may 27 points habang si Donovan Mitchell ay naipasok ang go-ahead layup kay may 19.5 seconds ang nalalabi sa laro.
Nagpakita rin ng double figures sina Mike Conley na may 18 points at Rudy Gobert (14 rebounds) ay kumana ng 16 points ggayundin si Mitchell kung saan naiposte nila ang unang panalo makalipas ang limang sunod-sunod na talo.
Ang Fil Am naman na si Jordan Clarkson ay tumulong din sa kanyang 13 points.
Sa ngayon nakausad na ang Utah sa 33-18 records samantalang hawak naman ng Blazers ang 24-29 kartda.
Sa Lunes host ang Blazers sa laban kontra Miami.
Ang Jazz naman ay tutungo ng Rockets.