Hindi napigilan ng Golden State Warriors ang comeback win ng Utah Jazz sa huling tatlong minuto ng banggaan ng dalawa, daan upang ibulsa ng huli ang 3-point win.
Sa huling 2 mins 40 secs ng laro ay hawak pa ng Warriors ang 11 points na kalamangan, 122 – 112.
Dito na sinimulan ni Utah guard Jordan Clarkson ang halos walang mintis na opensa at sunod-sunod na nagpasok ng 2-point at 3-point shots ang mga Jazz player.
Bagaman gumanti si Stephen Curry ng magkakasunod na layup, walang ibang player ng Golden State na nakatulong upang mapa-angat ang score ng Warriors.
Dalawampu’t anim na segundo bago matapos ang laro, hawak pa ng GS ang 2-point lead, 126 – 124 ngunit naipasok ni Keyonte George ang isang corner three.
Hindi na nakabawi pa ang Warriors at ibinulsa ng Utah ang panalo, 131 – 128.
Kumamada ng 31 points si Clarkson sa kabuuan ng laro habang 26 points ang ambag ni George at 15 points, 11 rebs ang ipinoste ni Walker Kessler.
Nasayang naman ang panibagong 32-point performance ni Stephen Curry, kasama ang 29 points ng sophomore na si Brandin Podziemski.
Hawak ng GS ang 25 – 25 na kartada habang ito 12 – 37 naman ang win-loss record ng Jazz.