-- Advertisements --
Jacqui Magno 2
Jacqui Magno/ FB image

Pumanawa na ang tinaguriang jazz icon ng bansa na si Jacqui Magno sa edad 65.

Pasado 4:05 ng Biyernes ng hapon, June 21 ng ito ay pumanaw dahil sa pancreatic cancer sa University of the East Ramon Magsaysay (UERM) Memorial Hospital.

Kinumpirma rin ng kaibigan nitong si Vivian Velez ang pagpanaw ni Magno kung saan nagpost pa ito sa kaniyang social media account habang kasama ang pumanaw na kaibigan.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang mga singer matapos mabalitaan ang insident na pinangunahan nina Lea Salonga, Richard Merk at Noel Cabangon.

Nagsimula si Jacqui bilang female singer ng bandang Genesis kasama noon sina Basil Valdez.

Matapos ang tatlong buwan na panganganak nito ay bumalik ito sa pagkanta sa pamamagitan ng legendary Circus Band.

Matapos ang ilang taon ay nagdesisyon na siyang maging solo jazz artist.