-- Advertisements --
Tinambakan ng NBA top team na Utah Jazz ang Portland Trail Blazers sa score na 122-103.
Ito na ang ika-23 franchise record na home winning streak na Utah.
Nagbuhos si Donovan Mitchell ng 37 points, na sinuportahan naman nina Rudy Gobert na nagpakita ng 18 points at 21 rebounds at si Joe Ingles na nagdagdag ng 13 points at six assists.
Hindi pa rin naman nagpahuli sa kanyang game si Damian Lillard na tumipon ng 23 points para sa bigong kampanya ng Blazers (30-21).
Si C.J. McCollum ay nagdagdag ng 19.