-- Advertisements --

Nagbuhos ng 30 points si Donovan Mitchell upang pangunahan ang Utah Jazz tungo sa matagumpay na pagganti sa Denver Nuggets. 124-105.

Dahil dito tabla na ang serye ng Jazz at Nuggets sa tig-isang panalo sa kanilang first-round playoff series.

Hindi rin nagpahuli ang Filipino American na si Jordan Clarkson na itinala ang kanyang playoff-best na 26 points.

Namuhunan sa opensa ang Jazz na nagpasok din ng 20 3-pointers upang rumesbak sa Denver.

Sa panig ng Nuggets, naging top scorer si rookie Michael Porter Jr. na may 28 points, at Nikola Jokic na nagdagdag ng 28 points at 11 rebounds.

Sa araw ng Sabado gaganapin ang Game 3.