Maraming mga basketball analyst sa buong mundo ang pumapabor na makakapasok sa Western Conference semifinals ang Utah Jazz laban sa Denver Nuggets.
Base sa ginawang survey ng NBA, marami ang pumabor sa Jazz na magwawagi matapos ang dalawang magkasunod nila ng pagkatalo.
Nakuha kasi ng Nuggets ang panalo sa Game 1 sa pamamagitan ng overtime 135-125, habang sa game 2 ay tinambakan ng Jazz ang Nuggets 124-105, inulit pa nila ito sa Game 3 sa score na 124-87 at naipanalo rin ang Game 4 sa score na 129-127.
Bumawi ang Nuggets sa Game 5 sa score na 117-107 at Game 6 sa score na 119-107.
Bagamat asahan na mauulit ni Jamal Murray ng Nuggets ang nagawa nitong 50 oints noong nakaraang laro ay hindi hindi rin aniya magpapatalo ang pambato ng Jazz na sina Donovan Mitchell at ang Filipino-American player na si Jordan Clarkson.
Ang sinumang magwawagi sa dalawang koponan ay makakaharap ang Los Angeles Clippers na unang tinalo ang Dallas Mavericks.