-- Advertisements --
Utah Jordan clarkson
Utah’s Jordan Clarkson (photo from @utahjazz)

Tuloy-tuloy pa rin ang swerte ng Utah Jazz nang itala ngayon ang ika-10 sunod na panalo nang ilampaso ang Brooklyn Nets, 118-107.

Napantayan ni Joe Ingles ang career high na 27 points habang si Rudy Gobert naman ay nagbuslo ng 22 at 18 rebounds.

Nagbalik na rin si Donovan Mitchell mula sa one game absence dahil sa karamdaman upang itala ang 25 points kung saan 14 dito ay sa fourth quarter.

Hindi rin nagpahuli si Bojan Bogdanovic na may 18 points para sa Jazz.

Nagsimula ang Utah mula sa malaking 20-point lead at hindi na hinayaan pang makaungos ang Nets.

Nag-ambag din naman ang Filipino American na si Jordan Clarkson ng 13 points mula sa bench.

Sa huling apat na panalo ng Utah (28-12) ay palaging umiiskor ng 13 o higit pa si Clarkson.

Samantala nasayang naman ang diskarte ni Kyrie Irving sa Brooklyn (18-21) nang ipagwagwagan ang 32 points at season-high na 11 assists sa kanyang ikalawang laro mula nang magbalik dahil sa shoulder injury.

Sunod na bibisitahin ng Jazz ang Orleans Pelicans sa Biyernes at kaabang abang kung maglalaro na nga ba sa kanyang debut ang No. 1 pick na si Zion Williamson.

Ang Nets naman ay bibisita rin sa Philadelphia 76ers sa Huwebes.