-- Advertisements --

Tinambakan ng Utah Jazz ang Denver, 124-87, para umabanse na sa dalawang panalo, habang isa naman ang Nuggets.

Nanguna sa diskarte ng Jazz ang nagbabalik na si Mike Conley na nagmula sa quarantine dahil sa nanganak ang kanyang misis.

Agad na nagpakitang gilas si Conley na nakapagtala ng 27 big points at career playoff high na pitong 3-pointers.

Malaking tulong din ang nagawa ni Rudy Gobert na umeksa sa kanyang career playoff-high na 24 points at 14 rebounds.

Ang top scorer ng sixth-seeded na Jazz na si Donovan Mitchell ay meron lamang 20 points matapos ibunton sa kanya ng Nuggets ang malapader na depensa.

Ang Filipino American player naman na si Jordan Clarkson ay nagrehistro ng 11 points mula sa bench, four assists at tatlong rebounds.

Pero sinamantala ng Jazz ang kamalasan ng Denver na inalat pa sa mga tira at turnovers.