-- Advertisements --

Kinailangang magdoble kayod ng Utah Jazz bago tuluyang itumba ang Charlotte Hornets, 112-102.

Sa una kasi umabot pa sa 22 points ang kalamangan ng Jazz pero muntik itong mahabol ito ng Hornets. Nagawa na ring matuldukan ng Utah ang dalawang sunod na pagkatalo sa kanilang teritoryo sa Salt Lake City.

Hawak na ngayon ng Utah ang best record na 21-9.

Nanguna si Rudy Gobert sa diskarte ng team na may 23 points at 21 rebounds na sinuportahan naman nina Bojan Bogandovic na nagpakita ng 23 points at si Donovan Mitchell na nagtapos sa 21.

Sa kampo ng Hornets kumamada si LaMelo Ball ng 21 points at 11 assists pero sa huli na-foul out ito sa final minute.

Sa ngayon may 16-17 kartada na ang Charlotte.