-- Advertisements --

Bumida sina Donovan Mitchell na may 22 points at si Rudy Gobert na nagposte ng 17 points at 21 rebounds para itala ng Utah Jazz ang ika-anim na sunod na panalo laban sa Philadelphia 76ers sa score na 118-96.

Malaking tulong din ang ginawa ni Hassan Whiteside na nag-ambag ng 14 points at 10 rebounds.

Ang Fil-Am na si Jordan Clarkson ay nagpasok naman ng 11 points kasama na ang tatlong 3-pointers.

Sa ngayon hawak na ng Jazz ang 18-7 record.

Sa kampo ng 76ers nanguna si Joel Embiid na may 19 points at nine rebounds.

Habang si Seth Curry ay may 18 points.