Pumanaw na ang kilalang jazz pianist na si Ramsey Lewis sa edad 87.
Inanunsiyo ng asawa nitong si Jan ang pagpanaw ng three-time Grammy award-winning artist.
Hindi na binanggit nito ang sanhi ng kamatayan ng asawa na mapayapang namatay sa kanilang bahay sa Chicago.
Isinilang noong Mayo 27, 1935 sa Chicago na nagsimulang matutuong maglaro ng piyano sa loob ng simbahan.
Taong 1956 ng unang inilabas nito ang kanilang album kasama ang bassist na si Eldee Young at drummer na si Redd Holt.
Sumikat sila sa larangan ng jazz at lumahok sila sa Newport Jazz Festival ang grupo nitong Ramsey Lewis Trio.
Nakilala sila sa mga paggawa nila ng mga jazz versions ng mga kanta ng ilang sikat ng banda at singer.
Nabigyan ito ng parangal sa US National Endowment for Arts’ highest honor noong 2007.
Nakilala si Lewis sa mga experimentation ng mga kanta gamit ang kaniyang electronic keyboards.