-- Advertisements --

Dumating na sa bansa si Utah Jazz star player Jordan Clarkson.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang sinakyan nitong Philippine Airlines flight PR113 mula sa Los Angeles pasado ala-siyete ng gabi nitong Biyernes.

Maglalaro kasi si Clarkson bilang naturalized player ng Gilas Pilipinas na sasabak sa fourth window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Labis naman itong nasiyahan sa muling pagbabalik sa Pilipinas.

Huling naglaro sa Pilipinas is Clarkson noon pang 2018 Asian Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Lebanon sa Agosto 25 at sila ay babalik sa bansa para makaharap naman ang Saudi Arabia sa darating na Agosto 29.

Mayroon ng 2-2 win-loss record ang Pilipinas sa ginaganap na qualifiers.