-- Advertisements --
Atty. Milagros Cayosa

Ipinag-utos ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Atty. Milagros Cayosa na sagutin ang opposition ni Atty. Larry Gadon sa kanyang nominasyon sa Court of Tax Appeals (CTA)

Binigyan si Cayosa ng JBC ng limang araw para sagutin ang opposition sa kanyang nominasyon.

Sa oposisyon na inihain ni Gadon, binigyang diin nitong walang delicadeza si Cayosa sa kanyang hakbang dahil sa pag-apply nito sa CTA post habang siya ay nakaupong JBC member.

Iginiit pa ni Gadon na nakagawa ng irregularity si Cayosa bilang JBC Member nang tanggapin nito ang hindi kumpletong Statements of Assets Liabilities and Networth (SALN) ni Atty. Maria Lourdes Sereno noong mag-apply ito bilang chief justice noong 2004.

Sa Mayo 3, nakatakda ang deliberasyon at botohan ng JBC para sa bakanteng puwesto sa CTA.

Magugunitang si Cayosa ay nagtestigo rin noon pabor kay Sereno.