KANSAS CITY, USA – Hinimok ni United States Vice President JD Vance ang publiko na ipanalangin ang mga biktima ng mid-air collision sa may Reagan airport.
Sa kaniyang mensahe, tiniyak ng bise presidente na naka-monitor sila sa mga development hinggil sa naturang pangyayari.
“Please say a prayer for everyone involved in the mid-air collision near Reagan airport this evening. We’re monitoring the situation, but for now let’s hope for the best,” wika ni VP Vance.
Matatandaang sumalpok ang American Airlines aircraft na may lulang 60 sa isang military helicopter na may tatlomng sakay na pawang military personnel.
Matapos ito ay bumagsak sila sa Potomac River.
Maliban sa bise presidente, hinimok din ni Senator Roger Marshall ang iba pang mamamayan na maglaan ng oras para ipanalangin ang mga biktima ng trahedya.
“I’ve seen the reports of a collision with a D.C. helicopter and an inbound flight from Wichita, KS. We are in contact with authorities working to get answers. We ask you to join us in prayer for every single passenger and their families,” wika ni Sen. Marshall.