-- Advertisements --

ILOILO CITY – Makailang beses na nagpa ikot-ikot ang isang pampasaherong jeep sa Brgy. Maribong, Lambunao Iloilo bago ito bumangga.

Napag-alaman na sakay ng naturang jeep ang mga estudyante ng Panuran Elementary School ng nasabing bayan na papunta sana sa District Camping ng Boyscouts.

Ayon sa tanod na nakakita sa nasabing insidente nawalan ng preno ang jeep at bumangga.

Sa inisyal na report ng kapulisan, tinatayang 15 na mga estudyante ang sakay ng jeep at isa rito ay naputulan ng kamay.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigayon ng Lambunao Police Station sa nasabing insidente.