-- Advertisements --
viber image 2023 04 13 09 20 32 639

Nais ng ilang jeepney drivers na magkaroon ng malinaw na plano ang Department of Transportation kung paano makakarating sa mga jeepney driver ang nais nilang ibahagi na subsidiya.

Ang ilan sa mga jeepney drivers raw ay hindi nakakatanggap ng sinasabing subsidiya, dahil anila, ang mga operators ang tumatanggap nito at hindi na nakakababa sa driver.

Inihalimbawa ni Marlon Jacila, ang ibinigay raw na subsidiya para sa krudo, ayon sa kanya ay hindi naman lahat ng driver nakatanggap nito dahil ang ilan ay na stuck nalang sa operators.

Kaya ang tanong nila, paano umano ito makakarating sa mga jeep drivers.

Maayos raw sana itong plano na subsidiya sa mga drivers dahil malaki na rin ang maitutulong sa pang araw araw.

Dagdag pa ni Marlon, lahat raw ng bigat ay nasa drivers kaya itong subsidiya sana naman raw ay makarating sa jeepney drivers talaga.

Nagbigay naman si Marlon ng mungkahi kung paano ito maipaparating sa kanila.

Matatandaan na plano ng Department of Transportation na magbigay ng subsidiya sa mga piling Public Utility Vehicle routes upang matugunan ang hinaing ng mga driver.

Sa bawat pasaherong naisasakay, isa o dalawang piso ang planong subsidiya ng Department of transportation.