Iniulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na nasa 80% na ang consolidation rate ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng ahensya sa buong Pilipinas.
Habang sa National Capital Region naman ay sinabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III na nasa 96% na ng mga active jeepneys ang nakapagpa-consolidate na.
Aniya, ito ay bunga ng determinasyon ng pamahalaan na isulong ang naturang pograma, gayundin ang kaukulang pagsusumikap para sa transition ng mga public utility vehicles tungo sa modernisasyon, at ang subsidiya para sa downpatment ng mga modernized units.
Kung maaalala, mula pa noong taong 2017 ay nilayon na ng inilunsad na PUV modernization program ng gobyerno na palitan ang mga traditional jeepneys sa bansa ng mga sasakyang mayroong Euro 4-compliant engine upang makatulong na mabawasan ang polusyon.
Isa rin sa mga layunin nito na palitan na ang mga lumang jeepney na ng mga makabagong jeepney na tiyak na roadworthy alinsunod sa ilalim ng mga pamantayang itinakda ng Land Transportation Office.
Maraming grupo ang tumuligsa sa programang ito ngunit ayon kay Guadiz, ang unti-unting pagdami ng mga jeepney na nakakapagpa-consolidate na ay bunsod ng nagiging kamalayan ng mga dating tumututol na tila walang kahahantungan ang kanilang hindi pagsang-ayon sapagkat desididoo aniya ang pamahalaan na ituloy at isulong ito.
Samantala, hanggang Abril 30, 2024 ang itinakdang deadline ng pamahalaan para consolidation ng mga public utility vehicle sa bansa. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)