Planong magkasa ng mga nag-consolidate na jeepney operators ng mga serye ng protesta kapag sinuspendi ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program (PUVMP).
Ayon kay DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Andy Ortega, nagpahayag ng magkahalong lungkot at galit ang transportation cooperatives at corporations sa panukalang Senate resolution para pansamantalang suspendihin muna ang pagpapatupad ng PUVMP.
Aniya, pakiramdam ng mga tumalimang jeepney operators na mayorya sila at niyakap nila ang programa dahil alam nilang wala na itong atrasan at maraming oras at pera na ang kanilang ipinuhunan sa programa dahil naniniwala sila sa programa ng gobyerno.
Batay sa DOTr official, nasa 83% ang PUV operators ang nag-consolidate sa mga kooperatiba o korporasyon nang magpaso ang April 30 deadline para sa consolidation.
Samantala, sa parte naman ng DOTr, sinabi ni USec. Ortega na naghahanda na sila ng sulat para malinaw at maihayag sa mga butihing Senador ang tunay na estado ng PUVMP.