-- Advertisements --

Bababa na sa kaniyang puwesto bilang chief executive officer ng Amazon ang kilalang pinakamayamang tao sa buong mundo ang founder nito na Jeff Bezos.

Iiwan ni Bezos ang e-commerce giant upang makapag-focus daw ito at magkaroon ng sapat na oras sa kaniyang iba pang pakikipagsapalaran.

Kailangan niyang mag-focus sa Day 1 Fund, Bezos Earth Fund, Blue Origin, The Washington Post, at sa iba pa niyang passion.

Siya ay papalitan ni Andy Jassy na siyang kasalukuyang namumuno sa Amazon’s cloud computing business.

Ang pagbabago ng leadership ay magaganap sa second quarter ng taong 2021.

Taong 1994 nang pinamunuan ni Bezos, 57, ang Amazon na kasalukuyang may 1.3 million na empleyado sa buong mundo.