Nagbitiw na bilang team manager ng Philippine women’s national football team si Jeff Cheng.
Sinabi nito na kaniyang naabisuhan na ang Philippine Football Federation’s Director of National Teams ukol sa nasabing desisyon niya.
Dagdag pa nito na ginawa nila ang lahat ng makakaya para maayos ang anumang problema subalit hindi na nila nakayanan.
Hindi aniya magkapareho ang mga prioridad at adhikan nito sa Philippine Football Federation.
Inihayag naman ni PFF director of national teams Freddy Gonzalez na kanilang tinaggap ang desisyon ni Cheng.
Magugunitang noong Nobyembre 2023 ng maghalal ng bagong pamunuan ang PFF sa pamamagitan ni John Anthony Gutierrez na siyang papalit kay Mariano “Nonong” Araneta.
Sa ilalim ni Cheng ay nagtala ng ilang tagumpay ang Filipinas gaya noong 2023 FIFA Women’s World Cup ng talunin nila ang co-host na New Zealand at noong 2021 Southeast Asian Games ng makamit nila ang bronze medal.
Nagkampeon din ang bansa sa 2022 AFF Women’s Championship.