-- Advertisements --

Nanindigan ang vlogger at dj na si Jellie Aw na itutuloy ang kaso laban sa fiancee na si Jam Ignacio.

Ito ay kahit na humingi ng pagpapatawad at paumanhin si Ignacio sa ginawa nitong pananakit sa kaniya.

Iginiit din ni Jellie na walang matutuloy na kasal dahil sa labis ang ginawa nitong pananakit pisikal.

Dagdag pa niya na ginagalang niya ang nararamdaman ng kaniyang magulang kung sakaling ituloy ang kasal.

Magugunitang noong Pebero 12 ng makatakas si Jellie sa sasakyan ng nobyo matapos na ito ay pagbuhatan ng kamay.

Naghain ng reklamo ito sa National Bureau of Investigation kung saan hindi naman dumalo ang negosyanteng si Ignacio sa ipinatawag nilang imbestigasyon.