-- Advertisements --

Nanindigan ang music dj at vlogger na si Jellie Aw na hindi nito iaatras ang kaso laban sa dating fiance na si Jam Ignacio.

Sinabi nito na walang katotohanan ang mga lumabas na balita na kaniyang babawiin ang kasong inihain sa National Bureau of Investigation (NBI).

Dagdag pa nito na hindi ganun na lamang ang sinapit niya.

Magugunitang pinagbubugbog ni Ignacio ang vlogger habang sila ay nasa sasakyan at nakatakas lamang ito pagdating sa expressway.