Nabahiran ng pagkadismaya ang masaya sanang pag-scuba diving ni Jennylyn Mercado sa Batangas kamakailan.
Ito’y matapos makita mismo ng 33-year-old actress sa kanyang pagsisid sa kailaliman ng karagatan na may mga basura pa rin at sa pagkakataong ito ay mayroon pang mga face mask.
Ayon kay Jen, umaasa ito na magiging responsable sa kani-kanilang basura ang publiko at kung magtatapon man ng face mask ay putulin ang mga ear loops upang maiwasan ang posibilidad na ma-trap ang anumang sea creatures.
“Please don’t forget to take care of your waste! And if you’re going to throw away face masks, please cut the ear loops so sea creatures won’t get trapped in them,” wika ni Mercado.
Hindi kasama ng actress/singer ang kasintahang si Dennis Trillo ngunit enjoy sa bonding nila ng anak niya kay Patrick Garcia, gayundin sa mga nakilalang scuba diving buddies.
Sa ngayon ay 12-years-old na ang anak na lalaki ni Patrick kay Jennylyn.