-- Advertisements --

Nilinaw ni Jennica Garcia na hindi niya layuning ipabasa sa kanyang dalawang anak ang isinapublikong sulat na pagkumpirma na dumaranas ito ng heartache o problema na ugnay sa puso.

Ayon sa 31-year-old actress, gusto niya balikan balang araw ang naturang heartache letter upang maalala na may pinagdaanan siya sa buhay nitong April 6, na kanyang kinayang nalampasan.

Laman ng heartache confession ng anak ng veteran actress na si Jean Garcia, ang pag-amin na nabigo ito sa mga plano sa buhay.

Gayunman, hindi aniya siya magsisisi sa pagkakaroon ng dalawang anak na ngayon ay edad dalawa at limang taong gulang sa celebrity husband na si Alwyn Uytingco.

Jennica heartache letter

Una nang binatikos si Jennica ng ilang kritiko dahil dapat ay personal lamang daw ang mga sensitibong problema sa pamilya.

“I want to stumble on this post of mine again one day and say to myself: Wow, so this God’s GOOD plan for us after all. Kayo po? Bakit di niyo try gamitin mukha niyo sa profile picture niyo? Galing niyo po magsalita kasi nagtatago kayo ano po? Alam mo kasi na may sa bastos yang tabas ng dila mo,” buwelta ng nakababatang Garcia.

Noong nakaraang buwan nang maging usap-usapan kung “on the rocks” na ba ang pagsasama nila ng 33-year-old actor.

Jennica Uytingco

Ito’y matapos magpasaklolo si Jennica dahil sa pagbura sa mga larawan nilang mag-asawa, at kung paano raw ba niya mapapalitan ang username nito sa Instagram.

Sa panig ni Alwyn, agaw-pansin ang cryptic o misteryosong post naman ang ibinahagi nito na halaw sa ilang linya ng kantang “Runaway” ng Norwegian artist na si Aurora.

“And I was running far away, would I run off the world someday? Nobody knows,” wika ni Uytingco.

Taong 2014 nang ikinasal sina Jennica at Alwyn.