Tumanggi si Jennica Garcia na magdetalye kasunod ng pagkumpirma na hiwalay na sila ng asawa at kapwa artistang si Alwyn Uytingco.
Ayon sa 31-year-old actress, kinailangan niyang bumalik sa show business matapos ang walong taong pamamahinga dahil sa mga pinansyal na problema.
“From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made,” tanging sambit nito sa GMA.
Nabatid na dalawang buwan ding nanahimik ang anak ng veteran actress na si Jean Garcia mula nang unang umugong ang tungkol sa “on the rocks” na married life nila ng 33-year-old actor.
Hanggang sa simulan na nito ang pagbenta sa ilang gamit nito sa lumang tinutuluyan bilang pahahanda sa paglipat sa bagong bahay kasama ang dalawang anak.
Una nang isinapubliko ni Jennica ang sulat bilang pagkumpirma na dumaranas ito ng heartache o problema na ugnay sa puso na umani ng ilang pagpuna.
Pero depensa nito, gusto niya lang balikan balang araw ang naturang heartache letter upang maalala na may pinagdaanan siya sa buhay nitong April 6 na kanyang kinayang nalampasan.
Laman ng heartache confession ang pag-amin na nabigo ito sa mga plano sa buhay pero hindi magsisisi sa pagkakaroon ng dalawang anak na ngayon ay edad dalawa.
Sa panig ni Uytingco, agaw-pansin ang cryptic o misteryosong post naman ang ibinahagi nito na halaw sa ilang linya ng kantang “Runaway” ng Norwegian artist na si Aurora.
Taong 2014 nang ikinasal sina Jennica at Alwyn.