-- Advertisements --

Dalawang buwan matapos unang umugong ang balitang hiwalay na sila ni Alwyn Uytingco, tahimik pa rin ang aktres na si Jennica Garcia.

Sa kabila nito, patuloy ang pagbenta ng anak ng kontrabida actress na si Jean Garcia sa ilang gamit nito sa lumang tinutuluyan bilang pahahanda sa paglipat sa bagong bahay.

Kasama ni Jennica sa bagong lilipatang bahay ang dalawang anak.

Kabilang sa mga “for sale” ng 31-year-old actress ang mga laruan, pre-loved footwear, art at craft materials, gayundin ang ilang furniture.

“Start fresh, ika nga. Mahal na mahal ko (itong study table na ito) pero ayoko ang memories na kaakibat niya haha,” saad ng nakababatang Garcia.

Una nang isinapubliko ni Jennica ang sulat bilang pagkumpirma na dumaranas ito ng heartache o problema na ugnay sa puso na umani ng ilang pagpuna.

Pero depensa nito, gusto niya lang balikan balang araw ang naturang heartache letter upang maalala na may pinagdaanan siya sa buhay nitong April 6 na kanyang kinayang nalampasan.

Laman ng heartache confession ang pag-amin na nabigo ito sa mga plano sa buhay pero hindi magsisisi sa pagkakaroon ng dalawang anak na ngayon ay edad dalawa.

Sa panig ng 33-year-old actor, agaw-pansin ang cryptic o misteryosong post naman ang ibinahagi nito na halaw sa ilang linya ng kantang “Runaway” ng Norwegian artist na si Aurora.

Taong 2014 nang ikinasal sina Jennica at Alwyn.