-- Advertisements --

Kinuhang model ang Hollywood actress Jennifer Aniston sa huling print issue ng Allure magazine.

Sa social media post nito ay makikita ang mga larawan na kuha ni Zoey Grossman isang kilalang photographer sa US.

Pinasalamatan ng 53-anyos na actress ang magazine dahil sa pagpili sa kaniya bilang cover girl.

Bumuhos naman ang pagbati at paghanga sa mga fans at ilang mga kapwa artista nito ng makita ang kaniyang larawan.