Muling ikinasal ang Hollywood couple na sina Jennifer Lopez at Ben Affleck.
Ito na ang pangalawang beses na pag-iisang dibdib ng dalawa matapos ang isang buwan sa Las Vegas.
Isiangawa ang pangalawang kasal ng dalawa sa 35 hektarya na waterfront compound sa souhteastern Georgia na pag-aari ni Affleck.
Dumalo ang ilang mga kapwa artista gaya nina Matt Damon at director Kevin Smith.
Lahat ng mga bisita ay nakasuot na kulay puti habang ang damit ni Jennifer Lopez ay kaya ng sikat na designer na si Ralph Lauren.
Unang nakilala ng 50-anyos na actor ang 53-anyos na singer/actress noong 2002.
Ipinagpaliban nila ang kaniyang kasal noong 2003 hanggang ianunsiyo nila ang kanilang paghihiwalay noong 2004.
Ito na ang pang-apat na kasal ni Lopez habang pangalawa naman ang pagpapakasal ni Affleck.