-- Advertisements --

Naghain ng divorce ang actress at singer na si Jennifer Lopez laban sa asawang si Ben Affleck.

Isinampa ni Lopez ang divorce sa Los Angeles County Superior Court.

Ang dalawa ay ikinasal sa Las Vegas noong Hulyo 2022 kung saan nagkaroon pa muli ng magarbong kasalan sa Georgia matapos ang isang buwan.

Nagsimula ang kanilang relasyon ng magkasama sila sa pelikula noong 2003.

Hindi naman binanggit ng 55-anyos na si Lopez ang dahilan ng paghihiwalay niya sa 52-anyos na actor.

Binigyan sila ng korte ng 60 araw para maghain si Lopez ng financial disclosure habang si Affleck ay mayroong 60 na araw na sagutin din ito.