Itinaas na ang tropical cyclone wind signal number two sa Isabela, Aurora at Quirino dahil sa bagyong Jenny.
Signal number one naman ang umiiral sa Cagayan, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, northern portion ng Quezon, kasama ang Polillo Islands, Cavite, Laguna, Camarines Norte, northeastern portion ng Camarines Sur at Catanduanes.
Sa ngayon mas lumakas pa ang bagyo na mayroong 65 kph na taglay na hangin at pagbugsong 80 kph at nasa ikalawang kategoyo na bilang tropical storm.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 360 km sa silangan ng Daet, Camarines Norte o 490 km sa silangan ng Infanta, Quezon.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.