Nag-landfall na sa Casiguran, Aurora ang bagyong Jenny at ito ay bumagal na at naging tropical depression.
Ayon sa PAGASA, pasado alas-10:40 ng Martes ng gabi ng mag-landfall ang sentro ito.
May dala pa rin ito ng hangin ng hanggang 65 kilometers per hour ang lakas at pagbugso ng hanggang 90 kph.
Itinaas na rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Isabela, Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
Nasa signal number 1 naman ang Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Norte, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Camarines Norte Catanduanes, northern Quezon, Polilio Island, Alabat Island at northeastern Camarines Sur.
Inaasahan na tuluyan ng makakalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyong Jenny sa araw ng Huwebes.