Bahagyang humina ang bagyong Jenny, matapos itong mag-landfall sa Aurora kagabi.
Ayon kay Pagasa forecaster Meno Mendoza, naapektuhan ito ng mga nadaanang bundok kaya mula sa tropical storm category ay naging tropical depression na lamang ito.
Inaasahang mamayang hapon o gabi ay makalalabas na ito sa Philippine area of responsibility (PAR).
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 125 km hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
May lakas itong 55 kph at may pagbugsong 85 kph.
Kumikilos itong pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 35 kph.
Sa ngayon, wala nang nakataas na signal number two, habang signal number one naman sa Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Pampanga, Bulacan at northern portion ng Quezon, kasama na ang Polillo Islands.