-- Advertisements --

Inanunsiyo nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na sila ay engaged na at magkaka-anak na.

Sinabi ng actor na naging simple lamang ang ginawa nitong engagement dahil sa pagiging practical na ang panahon ngayon.

Sa bahay na lamang nila ginawa ang proposal para sa safety reasons.

Sa panig naman ng actress sinabi nito na siyam na linggo na itong buntis.

Naramdaman nito ang sintomas na buntis ito habang nagta-taping ng kaniyang show.

Umaasa ito na babae ang magiging anak dahil nabiyayaan na sil ang dalawang lalaki.

Mahigit pitong taon ng nagsasama ang dalawa k ung saan noong Enero ay kanilang ipinagdiwang kanilang anibersaryo.