Kapwa dream come true kina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang pagkakaroon nila ng baby girl.
Sa kanilang video blog, inanunsyo ng newly wed couple na natupad ang kanilang wish na biyayaan ng baby girl dahil pareho ring lalaki ang kani-kanilang panganay sa mga dating kasintahan.
Nabatid na 13-anyos na ang anak ng 34-year-old actress sa aktor at ex-boyfriend na si Patrick Garcia, habang parehong edad sa anak ni Dennis sa beauty queen ex-partner na si Carlene Aguilar.
“Gusto naman namin ng ibang mapaglalaruan, ibang mabibihisan. Lalo na si Jen, tuwang-tuwa siya sa baby girl,” wika ng 40-year-old actor.
Nitong November 15 nang ikinasal sila sa pamamagitan ng low-key civil ceremony sa Quezon City.
Tanging pamilya at malalapit na kaibigan ng newly wed ang imbitado sa kasal na tumagal lang umano ng isang oras.
“Twinning” sina Dennis at Jen sa kanilang all-white suit ng designer na si Edwin Tan.
Kamakailan lang nang mag-propose na ng kasal si Trillo kay Mercado matapos ang halos walong taon bilang magkasintahan kasabay ng anunsyo na magkaka-baby na sila.