Nagbigay babala si Labour leader Jeremy Corbyn sa United Kingdom government na maglabas ng ‘credible evidence’ na magdidiin sa koneksyon ng Iran sa naganap na pag-atake sa dalawang oil tanker sa Oman.
Ayon kay Corbyn, hindi na umano dapat pang makisawsaw ang UK sa nasabing isyu dahil maaari lamang itong magbunsod ng gyera sa pagitan ng mga bansa.
Tinawag naman na “pathetic” at “predictable” ni Foreign Secretary Jeremy Hunt ang komento ni Corbyn.
“From Salisbury to the Middle East, why can he never bring himself to back British allies, British intelligence or British interests?â€, saad ni Hunt.
Naniniwala naman and UK and Commonwealth Office (FCO) na Islamic Revolutionary Guard Corps, isang sangay ng Iranian military, ang responsable sa pag-atake.
Una ng pinasinungalingan ng Iran ang bintang ng US na sila ang nasa likod ng pagpapasabog sa dalawang oil tanker, ito ay sa kabila ng mas lumalalang away sa pagitan ng Middle Easr nation at US.