-- Advertisements --

Inulan ng kilig comments ang kumpirmadong magkasintahan na sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at aktor na si Jeric Gonzales.

Ito’y kasunod ng tila sorpresang rebelasyon ng 25-year-old half Indian beauty mula Iloilo sa pamamagitan ng pag-post sa ilang sweet moments nila ng 29-year-old actor na kuha sa Bohol.

Kabilang dito ang pagpasyal nila sa tanyag na Chocolate Hills kung saan sila ay magkayakap, gayundin sa tabing-dagat kung saan nakasuot sila ng life vest, pag-piggyback ride kay Jeric habang bumababa sa hagdan, at sa iba pang tourist spot sa lalawigan.

Bagama’t ang beauty queen turned actress ang unang umamin sa publiko, sinelyuhan naman ito ni Jeric ng katagang “Let’s be happy together. I love you.”

Disyembre noong nakaraang taon nang ma-link si Mateo kay Gonzales matapos kumalat ang sweet pictures nila habang nasa amusement park sa Laguna.

Bago ito, galing ang first ever Miss Universe Philippines sa long time relationship kay Neil Salvacion.

Kung maaalala, nagtapos sa Top 21 si Rabiya nang sumabak sa Miss Universe 2020.