LEGAZPI CITY — Hindi magkamayaw ang fans ng Toronto Raptors sa pagsuporta sa koponan sa Game 5 ng NBA finals sa kabila ng pagkabigong tapusin ang serye.
Sa report ni Bombo International Correspondent Richard Llanera na nakabase sa Toronto, Canada, labis umano ang kasiyahan ng mga residente sa lugar na patuloy ang pagsubaybay sa laro ng koponan mula pa noong Eastern Conference finals.
Ito kasi aniya ang pinaka-unang beses na nakapasok sa NBA finals ang Raptors kaya labis ang exitement ng fans.
Dagdag pa nito na nagkakaubusan na rin ng jersey ng mga star players ng Raptors kung saan wala ng stock ng mga ito maging sa mga malalaking mall sa Canada.
Kwento pa ni Llanera na pahirapan na rin ang bentahan ng ticket na napag-alamang umabot na sa mahigit $1,400 o katumbas ng P55,000 ang pinakamababang presyo o ang nasa general admission.
Sa Game 5, nailusot ng Warriors ang panalo laban sa Toronto sa iskor na 106-105 na nagresulta sa 3-2 series.