-- Advertisements --
Naibenta sa halagang $5.6 M sa auction sa New York ang jersey na isinuot ni legendary baseball player Babe Ruth.
Nahigitan nito ang unang record na $4.4-M noong 2012 na isa ring New York Yankees jersey ni Ruth.
Ang damit ay galing mula 1928 hanggang 1930 ang mga taon sa kasikatan ni Ruth.
Ayon sa pangulo ng Hunt Auctions na si David Hunt na hindi mapantayan ang kasikatan ni Babe Ruth kung baseball ang pag-uusapan.
Hindi naman na pinangalanan ang nakabili ng nasabing jersey.
Ang nasabing record-breaking jersey ay isa sa 400 piraso na Ruth memorabilia na ibenta ng kaniyang pamilya sa Yankee stadium.