Opisyal nang ni-retire ng De La Salle University (DLSU) ang jersey ng Pinay olympian at former table tennis champion na si Ian Lariba.
Nitong Sabado nang bigyang pugay si Lariba sa Enrique Razon Sports Complex ng unibersidad sa pangunguna ng ilang opisyal ng paaralan at kanyang pamilya.
“This particular ceremony of honoring her by retiring her jersey will hopefully be a way of inspiring our future athletes, regardless of their sport, on how to be a true Lasallian student-athlete. One who excels in both academics and sports,” ani Emmanuel Calanog, Office of Sports Development director.
Magugunitang pumanaw sa sakit na acute myeloid leukemia si Larriba noong nakaraang taon.
Ayon sa DLSU, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-retire sila ng jersey mula sa isang non-team sport.
Nagtapos sa kursong BS Management of Financial Institutions, sumungkit din si Ian ng iba’t-ibang parangal sa Universtiy Athletics Association of the Philippines (UAAP).
Kabilang na rito ang pagiging record ng pagiging undefeated sa buong UAAP career, three-time MVP at two-time Athlete of the Year.
Si Lariba rin ang kauna-unahang Pinay table tennis player na nakatuntong sa Olympics nang maglaro at maging flag bearer ng Pilipinas sa 2016 Rio Olympics.